^

Bansa

Tinga drug ring ibalik sa selda - PDEA

-

MANILA, Philippines - Isinampa noong Enero 18 ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Taguig City Regional Trial Court ang isang motion for reconsideration na humi­hiling na baligtarin ng korte ang desisyon nitong nag­papalaya sa ilang miyem­bro ng tinaguriang Tinga Drug Syndicate. 

Sinabi ng hepe ng legal division ng PDEA na si Atty. Alvaro Lazaro hinihi­ling nilang ibalik sa kulu­ngan ang mga suspek na magkapatid na sina Fer­nando at Alberto Tinga at pamangkin ng mga ito na si Allan Carlos Tinga.

Sinabi ni Lazaro na iki­na­gulat nila ang desisyon ni Judge Raul Villanueva noong Dis. 9, 2009 na nag­palaya sa mga suspek.

Sinabi ng PDEA na ma­kikita sa kanilang mosyon ang determinasyon nilang maipakita sa korte na sa­pat ang ebidensya nila la­ban sa mga Tinga.

Kung matatandaan, dismayado ang PDEA at sinabing tila “Home Town Decision” ang desisyon ni Judge Villanueva laban sa mga miyembro ng natu­rang sindikato.

Nagbigay kamakailan ng listahan si dating Dangerous Drugs Board Chairman Tito Sotto kay Pangu­long Arroyo ng mga lokal na opisyal na may kaug­nayan sa illegal na droga. (Butch Quejada)

vuukle comment

ALBERTO TINGA

ALLAN CARLOS TINGA

ALVARO LAZARO

BUTCH QUEJADA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

DRUGS BOARD CHAIRMAN TITO SOTTO

HOME TOWN DECISION

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with