Pinay bibitayin!
MANILA, Philippines - Pinagtibay ng korte sa Kuwait ang parusang bitay laban sa isang OFW dahil sa kasong murder.
Ang Pinay domestic helper na si Jakatia Pawa, 34, tubong Zamboanga Sibugay ay nakatakdang bitayin sa pamamagitan ng pagbigti ng Kuwaiti Court of Cassation matapos na patayin umano nito ang 22-anyos na anak na babae ng employer nito na kanyang pinaglilingkuran sa loob ng limang taon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakikipag-ugnayan na ang gobyerno sa Kuwaiti government at sa pamilya ng biktima para makakuha ng “Tanazul” o pagpapatawad para maisalba ang buhay ni Pawa mula sa bitay.
Dahil dito, nakatakdang magtungo si Vice President Noli De Castro sa Kuwaiti dala ang liham ni Pangulong Gloria Arroyo para kay Kuwaiti Emir Sheikh Sabah, Al-Ahmad Al-Sabah para mabigyan ng commutation o mapababa ang sentensiya ni Pawa.
Dismayado naman si Philippine Ambassador to Kuwait Ricardo Endaya sa naging desisyon ng Kuwaiti court laban kay Pawa dahil wala naman solidong ebidensiya na magdidiin dito.
- Latest
- Trending