MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga pirata sa Somalia ang may 16 tripulanteng Pinoy sakay ng isang oil tanker matapos ang halos dalawang buwang pagkakabihag .
Kinumpirma ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos na pinakawalan noong Enero 18, 2010 ang M/V Maran Centaurus sakay ang 28 crew na kinabibilangan ng 16 Pinoy, 9 Greek, 2 Ukrainian at isang Romanian.
Walang binanggit ang DFA kung may ransom na ibinigay sa mga pirata kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.
May 58 pang tripulanteng Pinoy sakay ng limang barko ang nananatiling hawak ng mga piratang Somali. (Ellen Fernando)