^

Bansa

Miriam inihabla sa Ombudsman

-

MANILA, Philippines - Naghain ng kasong kriminal sa Ombudsman ang isang Sultan laban kay Senador Miriam Defensor-Santiago dahil sa kabiguan ng mambabatas na magdeklara ng buong financial at business interests nito.

Base sa 12 pahinang complainant ni Sultan Abdul­hamid Alimuddin ng Indanan, Sulu, kinasuhan nito si Santiago ng paglabag sa section 3 (e) at 8 ng RA 3019 ng Anti-graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano’y pagtatago at hindi maipaliwanag na yaman.

Kasama sa reklamo ang real tax declarations at iba pang property documents na ikinumpara sa Statement of Assets and Liabilities and Networth ni Santiago na umano’y nagpapakita na nakuha ng senador ang mga ari-arian nito na nagkakahalaga ng milyong piso taliwas sa nakukuha nitong sahod bilang Senador.

Kabilang sa mga ari-arian ni Santiago ang sa La Vista, UP Village at West Triangle sa Quezon City, lupang pang agrikultura sa Lipa city, residential house sa Iloilo at mansion nito sa Tagaytay City.

Iginiit ni Alimuddin na hindi isinama ni Santiago ang nasabing mga ari-arian sa kanyang SALN.

Lumabag din umano si Santiago sa PD 1829 o “Pe­nalizing Obstruction of Apprehension and Pro­secution of criminal offenders” nang hindi nito paya­gan ang mga awtoridad na magsagawa ng crime inves­tigation nang mamatay ang kanyang anak na si Robert sa La Vista noong Nobyembre 2003. (Gemma Garcia)

ALIMUDDIN

CORRUPT PRACTICES ACT

GEMMA GARCIA

LA VISTA

OBSTRUCTION OF APPREHENSION AND PRO

QUEZON CITY

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

STATEMENT OF ASSETS AND LIABILITIES AND NETWORTH

SULTAN ABDUL

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with