^

Bansa

Fuel shortage pinangangambahan

-

MANILA, Philippines - Nangangamba ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation na magkakaroon ng “fuel shortage” kung tuluyang kukum­piskahin ng Bureau of Customs ang P43 bilyong halaga ng raw materials at product imports na maaaring magdudulot ng pagsasara sa Batangas refinery kung saan nagpo-produced ng petroleum products.

Kapag anila nagsara ang refinery, mahigit 823 manggagawa ang mawawalan ng trabaho bukod pa sa 17,000 daily wage earners mula sa 959 retail stations na magsasara rin.

Pinangangambahan din ang massive disruption ng power supply dahil 33 percent ang isinusuplay ng Shell sa power plants para sa power generation kabilang ang national power corporation, 17.2 percent naman sa buong aviation fuels; 24.6 percent ang sa marine transport; at 70.2 percent ang demand para sa bitumen na silang nagsasaayos ng road works.

Pinuna ni Shell legal counsel at dating ombudsman Simeon Marcelo na mistulang “double taxation” ang nais gawin ng BOC dahil bayad naman ng kompanya ang bilyong halaga ng finished products nito na kinuha mula sa refinery na na-produced mula sa ginamit na imported CCG at LCCG.

Hiniling ng Shell sa CTA na pigilin ang plano ng BOC na kumpiskahin ang mga darating na importations na maaring magreresulta ng matin­ding dagok hindi lamang sa kompanya kundi maging sa stakeholders at publiko. (Butch Quejada)

vuukle comment

BATANGAS

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

HINILING

KAPAG

NANGANGAMBA

PILIPINAS SHELL PETROLEUM CORPORATION

PINANGANGAMBAHAN

SIMEON MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with