MANILA, Philippines - Ipinawawalis ni Manila Police District (MPD) director C/Supt. Rodolfo Magtibay ang mga ‘tomador’ sa kalye upang maiwasan ang mas magulo at marahas na kapistahan ng Poong Sto. Nino sa Tondo, na halos taun-taong nagtatala ng mga sugatan at nasasawi.
“They should pray to Sto. Nino rather than having clinging on to San Miguel (beer). Every year, the Manila Police District receives reports of crime and violence during the feast of the Santo Niño. This time, we wanted to make our blotter clean and without records of crime,” ani Magtibay.
Partikular na imomonitor ng may 300 kapulisan na itinalaga sa Tondo ang mga ‘trouble-prone area’ at mga eskinitang binabarahan ng mga mesa para sa ‘inuman blues’.
Ngayon ang araw na kapistahan ng patron ng Sto. Niño sa Tondo at inaasahan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa idaraos na prusisyon at mga palaro. (Ludy Bermudo)