^

Bansa

Nasawing diver ng Coast Guard inilibing na

-

MANILA, Philippines - Isang full honor burial ang iginawad sa paghahatid sa labi ni Petty Officer 3 Armand Bonifacio sa Libingan ng mga Bayani, sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Pinangunahan ni PCG Admiral Commandant Wilfredo Tamayo ang seremonya kung saan isinagawa ang gun salute. Pinaulanan din ng bulaklak ng dalawang helicopter ng PCG Auxiliary ang pagbaba ng labi ni Bonifacio sa libingan.

Dalawang batalyon ng PCG ang nakipaglibing na dinaluhan din ng Japanese Coast Guard na dumating sa Maynila kamakailan.

Sinabi naman ni Admiral Tamayo na bukod sa immediate financial assistance at burial, tatanggap din ang maybahay ng nasawing diver na si Mrs. Marabel Bonifacio, ng 8-na buwang sweldo at benepisyo.

Bukod pa ito sa makukuhang commutation of leave benefits na ibabase sa 18 taong serbisyo ni Bonifacio sa PCG. Ipinaaayos na rin ni Tamayo ang scholarship grant para sa anak na si Alvin Bernie G. Bonifacio, 11 anyos na magtatapos sa elementarya ngayong taon.

Samantala, inihatid na ng PCG sa Mindoro ang huling 14 na bangkay na na-retrieve kamakailan upang hindi na magkagastos ang mga naiwang pamilya ng mga biktima sa pag-claim sa kanilang mga mahal sa buhay. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ADMIRAL COMMANDANT WILFREDO TAMAYO

ADMIRAL TAMAYO

ALVIN BERNIE G

ARMAND BONIFACIO

BONIFACIO

FORT BONIFACIO

JAPANESE COAST GUARD

LUDY BERMUDO

MRS. MARABEL BONIFACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with