^

Bansa

72 high school students positibo sa marijuana, shabu

-

MANILA, Philippines - Inilabas na ng National Reference Laboratory ng Department of Health ang resulta ng isinagawang random drug tests sa mga secondary o high school students ng public at private schools sa bansa.

Nabatid sa ulat na kumpirmadong 72 estudyante ang gumagamit ng iligal na droga partikular ng marijuana at metamphetamine hydrochloride o shabu.

Ito umano ay kumakatawan sa 0.24 porsyento o wala pang 1 porsyento ang gumagamit ng droga sa mga estudyanteng sumailalim sa random drug tests, bilang bahagi ng National Drug Education Program ng DOH at Department of Education.

Una umanong nakapagtala ng 90 estudyante na positibo sa paggamit ng iligal na droga mula noong Pebrero hanggang Disyembre 2009, sa isinagawang screening subalit nang isailalim sa confirmatory laboratory tests ay nakumpirmang 70 lamang ang positibo sa marijuana habang 2 lamang sa paggamit ng shabu. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DISYEMBRE

DRUG EDUCATION PROGRAM

INILABAS

LUDY BERMUDO

NABATID

NATIONAL REFERENCE LABORATORY

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with