Angat dam aabot sa critical level
MANILA, Philippines - Pinangangambahang tuluyang umabot sa critical level ang tubig sa Angat dam kung tuluyang hindi na uulan bago sumapit ang summer.
Ayon kay Roy Padilla, hydrologists ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Flood Forecasting Division, patuloy ang pagbaba ng water level sa Angat Dam na sa ngayon ay nasa 201.2 meters na kamakalawa at ang normal level nito ay 212 meters, ngunit dahil sa hindi pag-ulan ay posibleng umabot ito sa critical level na 180 meters.
Ipinaliwanag pa ni Padilla na magdudulot ng abnormal na pagpatak ng ulan ang El Nino phenomenon na ngayon ay nararamdaman na ang epekto sa ilang bahagi ng bansa gaya ng Benguet, Pampanga, at Davao del Sur na makakaranas ng tatlo hanggang walong buwang tag-tuyot.
Bunsod nito, nanawagan ang National Power Corporation sa publiko, lalo na sa mga taga Metro Manila na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mula sa Pebrero ay kokonti na ang suplay ng tubig. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending