^

Bansa

Balasahan sa DENR binira

-

MANILA, Philippines - Pitumpung opisyal at kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kabi­lang na ang tatlong Under­secretaries at regional directors ang ni-rigodon ng katatalagang DENR acting Secretary, Eleazar P. Quinto.

Batay sa 45-pahinang special order at komuni­kasyon ni Quinto, dala­wang bagong opisina agad ang itinatag nito para sa Usec at Asec sa Special Constituency and External Affairs ito ay dalawang araw bago maging epek­tibo ang election ban. Ma­ta­pos nito ay ang pagla­lagay ni Quinto sa kanyang hurisdiksyon sa mga sen­sitibong tangga­pan gaya ng Mines Adjudication Board, Legal Affairs Office at ang Internal Audit Service.

Ikinagulat ng mga taga DENR ang matinding reorganisasyon dito at ang pagpirma nito sa naturang bilang ng komunikasyon at kautusan sa loob lang ng 2-araw kung saan wala din umano itong konsultasyon sa kanyang Senior Under­secretary for field Operation na si Ramon Paje.

Sa administrative order mula sa Office of the President, si Paje ang direktang mangangasiwa sa mga regional at field offices at mga line bureaus at ito ay hindi umano sinunod ni Quinto. Kinuwestiyon pa ng mga DENR officials ang motibo ni Quinto dahil siya ay pansamantalang kalihim.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ELEAZAR P

INTERNAL AUDIT SERVICE

LEGAL AFFAIRS OFFICE

MINES ADJUDICATION BOARD

OFFICE OF THE PRESIDENT

RAMON PAJE

SENIOR UNDER

SHY

SPECIAL CONSTITUENCY AND EXTERNAL AFFAIRS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with