Citihood ng 16 bayan rerebisahin ng SC
MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Korte Suprema na rebisahin ang kontrobersiyal na desisyon nito na nagpapahintulot na maging siyudad ang 16 na bayan matapos kuwestiyunin ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang legalidad ng naturang desisyon.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Midas Marquez, sampung-araw lang ang ibinigay sa mga alkalde ng 16 bayan para magsumite ng komento sa mosyon ng LCP.
Sa deliberasyon ng SC, nagdesisyon ito na aksiyunan ang motion na kumukuwestiyon sa naturang desisyon na ipinalabas noong December 21 na nagdedeklarang legal ang pagiging siyudad ng 16 na bayan.
Una ng nagpalabas ng desisyon ang SC noong Nobyembre 18, 2008 at idineklarang unconstitutional ang batas para maging siyudad ang naturang mga bayan ngunit ito ay binaliktad sa desisyon noong December 21. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending