^

Bansa

Noynoy hanap ni FVR

-

MANILA, Philippines - Dismayado si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa hindi pagsipot ng ilang presidentiables sa ginanap na presidential forum sa Asian Institute of Management (AIM) sa Makati City, kahapon na anya’y maha­laga upang malaman ng botante ang adhikain at polisiya ng mga kandidato.

“Mayroon akong incidental questions, nasaan na iyong iba?” ani Ramos na partikular na hinanap ay si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.

Tanging sina dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, Sen. Richard “Dick” Gordon at Na­cionalista Party President Sen. Manny Villar ang du­malo sa forum na inis­ponsor ng Carlos P. Ro­mulo Foundation.

Bukod kay Aquino, nabigong dumalo rin sa naturang forum sina dating Pangulong Joseph Es­trada ng Partido ng Masa, Sen. Jamby Madrigal at spiritual leader Bro. Eddie Villanueva, atbp.

“Dapat ang isang lider, hindi lamang 24/7 nagta­trabaho, kundi 25/8 na higit pa sa lahat dahil multi-tasking ang pagiging lider ng isang bansa tulad ng Pili­pinas na mayroong mahigit 7,107 isla,” diin pa ni Ramos.

Sinusugan naman ni Prof. Carolina Hernandez ang pananaw ni Ramos na dapat dumalo ang lahat ng presidentiables upang malaman ng botante ang nilalaman, plano at adhi­kain ng bawat kandidato.

Tinalakay sa naturang forum ang konsepto ng bawat kandidato hinggil sa Maguindanao at hamon sa usapin ng kapayapaan sa Katimugan, usaping pan­labas at pandaigdigang seguridad, ekonomiya at international economic relations, migrant workers at competitiveness ng bansa sa buong mundo. (Butch Quejada)

AQUINO

ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT

BUTCH QUEJADA

CARLOS P

CAROLINA HERNANDEZ

DEFENSE SECRETARY GILBERT

EDDIE VILLANUEVA

JAMBY MADRIGAL

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with