2 pa nadagdag na kandidato sa pagka-pres.

MANILA, Philippines - Pormal nang inilabas kahapon ng Commission on Elections ang pinal na listahan ng mga kandidato na pinayagang makalahok sa May 10 elections.

Alinsunod sa Resolution 8743 ng Comelec en banc, nadagdagan pa ng dalawa ang mga kandidato sa pagka-pangulo, habang apat naman ang nadagdag sa listahan ng mga kan­didato sa pagka-senador.

Nabatid mula sa 26-pahinang resolusyon na kabilang sa mga nadagdag na presidentiables ay ang environmentalist na si Nicanor Perlas at ang financial consultant na si Ve­ tal­lano Acosta Jesus, ng Kilu­sang Bagong Lipunan (KBL).

Pinayagan na ring makatakbo sa senatorial race sina dating Brig. Gen. Danilo Lim, Nannete Espi­nosa, Adz Nikabulin at Emilio Osmena.

Bunsod ng panibagong desisyon ng poll body, umaabot na ngayon sa 10 ang mga kandidato sa pagka-Pangulo, nanana­tiling walo naman sa pag­ka-Bise Presidente at 62 ang mga senatoriables na pinayagang makatakbo sa halalan. (Mer Layson)

Show comments