MANILA, Philippines - Umabot na sa 124 ang bilang ng mga gun ban violators na naaresto ng Philippine National Police (PNP), wala pang isang linggo matapos ang pormal na pagpapatupad ng Commission on Elections ng total gun ban, bunsod ng pagsisimula ng election period.
Sa ulat ng PNP, ang karamihan o 105 umano sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasita sa mga checkpoints sa iba’t ibang panig ng bansa na pinamamahalaan mismo ng Comelec at ng PNP.
Lima sa mga ito ay mga pulis, walo ang sundalo at anim ang government employees.
Umaabot naman sa 114 mga armas na nakumpiska, na kinabibilangan ng 52 high-powered guns, 10 bladed weapons at apat na granada, ang narekober ng mga awtoridad, mula sa mga violators. (Mer Layson/Joy Cantos)