^

Bansa

Korte Suprema naglinaw sa refund ng RFID

-

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng Korte Suprema na hindi nila inatasan ang Land Transportation Office (LTO) na i-refund ang bayad ng mga may-ari ng sa­sakyang na­kapagpa­rehistro na nilag­yan ng Radio Frequency Identification (RFID).

Ayon kay Supreme Court (SC) spokesman Atty. Midas Marquez, wa­lang nakalagay sa mis­mong order na dapat may refund sa mga may-ari ng sasakyan kundi status quo ante order lamang ang mananatili hanggang wala pang kautusan ang Korte Suprema.

Bahala na umano ang LTO kung ano ang inter­pre­tasyon nila sa status quo order at ito na rin umano ang magdedesis­yon kung ire-reimburse nito ang bayad sa mga may-ari ng sasakyan na nakapagparehistro na.

Nauna ng sinabi ni Ditas Gutierrez, LTO spokes­man na sa inisyal na implementasyon ng RFID project ay sakop nito ang mga license plate numbers na nagtatapos sa 1 at na­tapos na bago pa man ipa­labas ng SC ang kautusan.

Halos 1 milyon may-ari umano ng sasakyan ang nasakop ng inisyal na im­plementasyon ng pro­yekto kung saan pinagba­yad ang mga ito ng P350 para sa bawat isang RFID sticker.

Nilinaw din ni Marquez na hindi idineklara ng SC na illegal ang proyektong RFID samantalang hindi pa umano sila nakaka­tanggap ng komento mula sa LTO at sa Department of Transportation and Communications (DOTC) matapos silang bigyan ng 10-araw upang sumagot sa petition na inihain ng iba’t ibang transport groups. (Gemma Amargo-Garcia)

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DITAS GUTIERREZ

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MIDAS MARQUEZ

NILINAW

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with