^

Bansa

172 Pinoy nadale ng lindol sa Haiti

- Nina Ellen Fernando, Mer Layson at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang laki ng pinsa­lang nagawa ng 7.0 magnitude na lindol na yu­manig sa Haiti sa Filipino community at sa Philippine peacekeeping contingent na naroroon.

Aminado naman si DFA spokesman Eduardo Malaya na sa ngayon ay nahihirapan sila kaagad na matukoy ito dahil na rin sa kawalan ng komuni­kasyon matapos na mapu­tol ang communication at power lines sa lugar.

Nakatanggap na rin naman umano ng ulat ang DFA na may ilang Pinoy peacekeepers na na-trap sa ilang gusaling naapek­tuhan ng paglindol, ngunit nasa ligtas naman uma­nong kalagayan ang mga ito.

Umaasa ang DFA na walang Pinoy na nadamay sa lindol na sinasabing posibleng pumatay sa libu-libong katao.

Ayon kay Elemer Cato, spokesperson ng Phil. Mission to the UN, nasa 155 ang sundalo, 2 military observer at 15 pulis ang nasa Haiti.

Bukod dito, mayroon din umanong 447 Pinoy na nagtatrabaho at nanini­rahan sa naturang bansa, na posibleng naapektuhan ng lindol.

Kinumpirma naman ng Armed Forces of the Philippines na kabilang ang mga peacekeepers nito sa mga na-trap sa gumuhong gusali sa malakas na lindol na yumanig sa Haiti.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. ang impormasyon ay nabatid lamang nila sa Misis ni Filipino peacekeeping Commander Lt. Col. Lope Da­goy na nagawang makata­wag sa kaniyang mayba­hay sa pamamagitan ng sa­tellite phone.

“He (Dagoy) was able to borrow a satellite phone and called his wife,” ani Brawner na sinabing agad ring naputol ang communication system sa nasa­bing bansa bunga ng epek­to ng lindol.

Una nang napaulat na niyanig ng lindol ang Haiti na sumira umano sa mara­ming gusali at kabahayan doon, kabilang na ang headquarters ng United Nations peacekeeping mission at marami sa mga miyembro nito ang nawa­wala.

Maging ang ilang ba­hagi ng Presidential Palace ay naapektuhan din umano nang pagyanig ngunit masuwerteng ligtas naman umano si Haitian President Rene Preval.

Nabatid na ito na umano ang pinakamala­kas na lindol na naitala sa Haiti sa kasaysayan at ito ay naramdaman maging sa Dominican Republic, Jamaica at Cuba.

Ayon sa mga awtori­dad, maaaring abutin ng dalawa hanggang tatlong araw bago malaman ang pinsala ng lindol ngunit ina­asahan nang marami ang nasawi dahil dito, dahil sa ngayon pa lang umano ay nagkalat na ang mga bang­kay sa Port-au-Prince.

Ang Haiti na itinuturing na pinakamahirap na bansa sa Western Hemisphere ay mayroon uma­nong mahigit sa 10 mil­yong populasyon.

ANG HAITI

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

COMMANDER LT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DOMINICAN REPUBLIC

EDUARDO MALAYA

LINDOL

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with