Police escort ng VIPs binawi

MANILA, Philippines - Binawi na ng Philippine National Police ang aabot sa 1,600 police security escort na nakatalaga sa may 700 VIPs na kina­bibilangan ng mga opisyal ng pamahalaan at priba­dong indibidwal kaugnay ng gaganaping pambansa at lokal na halalan sa da­rating na Mayo.

Ayon kay Chief Supt. Lina Sarmiento, hepe ng PNP-Police Security and Protection Office, pinagre­report na niya sa kanilang mga mother unit ang mga security escorts ng mga VIP para sa accounting ng mga tauhan ng pulisya.

Ang hakbang, ayon sa opisyal ay alinsunod sa Comelec Resolution 8714 o ang agarang pagpapa­tupad ng pagbawi sa mga security escorts.

Tiniyak naman ng opis­yal na hindi nila aaban­donahin ang kanilang mga tungkulin sa mga testigo ng karumaldumal na kri­men at maging sa mga bik­tima ng kidnapping.

Ipinaliwanag naman ni Sarmiento na para sa mga kandidato o mga priba­dong indibidwal, kailangan ng mga itong hingin ang pag-apruba ng Joint Security Control Centers bago muling makakuha ng mga police security escorts. (Joy Cantos)

Show comments