^

Bansa

Expiration sa kasal binara sa Senado

-

MANILA, Philippines - Kinontra ng ilang se­nador ang panukala ng isang partylist group na lagyan ng 10 taong expiration ang kasal na papa­bor sa kababaihan.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pi­mentel Jr., ang nasabing ideya ng party-list group na nag-aambisyong maka­pasok sa House of Representatives ang pinaka-nakakatawang ideya na narinig niya sa buong buhay niya.

Ayon kay Pimentel, hindi rin naaayon sa Kons­titusyon ang nais mangyari ng 1-Ako Babaeng Astig Aasenso dahil ikinokon­sidera ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Hindi rin naaayon sa na­kakarami ang ideya na paglalagay ng sampung taong expiration sa marriage contract dahil ito ay panghabambuhay.

Ayon naman kay Senator Alan Peter Cayetano, si­guradong hindi seser­yosohin ang nasabing panukala dahil marami pa rin ang hindi nagkokon­sidera na magkaroon ng diborsiyo sa Pilipinas.

Sumang-ayon din ito sa sinabi ni Pimentel na ‘basic unit’ ng society ang pamilya at hindi dapat ma­ging daan ang gobyerno upang mawasak ito.

Sa statement naman ng 1-ABAA, nais umano nitong hindi na maghintay ng matagal ang mag-asawa sa mahabang proceedings ng annulment kaya dapat magkaroon ng expiration ang kasal. (Malou Escudero)

AKO BABAENG ASTIG AASENSO

AYON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KINONTRA

MALOU ESCUDERO

PILIPINAS

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO PI

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with