^

Bansa

OK sa gun control bill giit

-

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang mga kapwa senador na ipasa kaagad ang House Bill 6776 na nag­papataw ng mas mabigat na parusa sa mga taong mapapatunayang nag­kasala sa batas laban sa iligal na pag-iingat ng baril.”

Sa isang mensahe, sinabi ni Escudero na ang naturang panukala ay naglalayon ding baguhin ang probisyon ng Presidential Decree 1866.

Aniya, sa ilalim ng PD 1866 mabigat ang parusa ngunit ito ay binabaan sa pamamagitan ng Revilla Law.

Sinabi ni Escudero na ang problema sa lumang batas ay nagagamit ito upang kasuhan at ikulong ang sinuman ng kasong rebelyon.

Nauna rito, sinabi ng Philippine National Police na kailangan ng karag­dagang kapangyarihan upang ipatupad ang “gun control” sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Director General Jesus A. Verzosa, ito na ang ta­mang panahon upang ipasa ang House bill dahil, sa ngayon, ang PNP ay nagpapatupad ng malawa­kang kampanya laban sa mga iligal na armas.

Ang naturang panukala ay nagpapataw ng mahig­pit na patakaran ukol sa pagkansela at suspen­siyon ng lisensya sa baril.

Sinabi ni Versoza na ang panukala ay pipigil sa mga pulitiko sa pagbubuo ng kanilang sariling “private army” at magbibigay naman sa PNP ng ka­pangyarihan upang supi­lin ang mga ito. Ang panu­kala ay na­ipasa na sa ikatlo ang huling pagbasa.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS A

HOUSE BILL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL DECREE

REVILLA LAW

SENADOR FRANCIS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with