^

Bansa

Korte kumampi sa oil firms

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nawalan ng saysay ang petisyon ng grupong Social Justice Society at transport group na Pasang Masda laban sa pagpapatupad ng pani­bagong pagtataas sa presyo ng mga produkto ng malalaking kumpanya ng langis.

Dinismis kahapon ng Manila Regional Trial court Branch 26 Judge Silvino Pampilo ang pe­tisyon dahil wa­lang ba­sihan bukod sa apek­tado din ang mga lokal na kumpanya ng la­ngis sa galaw ng presyo nito sa pandaigdigang pa­milihan.

Kinatigan ng korte ang testimonya ni dating National Economic Development Authority Chief Solita Collas-Mon­sod na ang magka­ka­sunod na pagtataas ng presyo ng langis na isinasagawa ng mga kumpanya ng langis ay hindi agad nanganga­hulugan na may sab­watan na ang mga ito. Kumpara sa ibang bansa ay nanatili pa rin na mababa ang presyuhan ng langis sa Pilipinas.

Tulad umano sa international market ay pa­rehas na sitwasyon din ang kinakaharap ng mga oil companies kaya sa oras na may paggalaw ng presyo ay walang opsyon maliban sa mag­taas ng presyo sa lokal na merkado.

Ang kaso ay nag-ugat sa akusasyon ng SJS na ang Pilipinas Shell, Chevron at Petron ay sangkot sa cartelization at kasu­nod nito ay hiniling na pagbawalan ang mala­laking kumanya ng langis na magtaas ng presyo kada linggo.

DINISMIS

JUDGE SILVINO PAMPILO

KINATIGAN

KUMPARA

MANILA REGIONAL TRIAL

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY CHIEF SOLITA COLLAS-MON

PASANG MASDA

PILIPINAS SHELL

SHY

SOCIAL JUSTICE SOCIETY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with