2-milyong deboto dumagsa sa prusisyon
MANILA, Philippines - Dumagsa ang tinatayang dalawang milyong deboto sa prusisyon ng Black Nazarene simula sa Quirino Grandstand, Luneta patungo sa simbahan ng Quiapo, Maynila.
Walang kapagurang pumila hanggang sa Roxas Boulevard ang mga deboto para makahawak lang sa tali ng karosa ng Nazareno at nagbabakasakaling maipunas sa paanan nito ang mga dalang tuwalya, panyo at damit.
Nagsimulang dumami ang bilang ng mga deboto sa Luneta kamakalawa pa lang ng gabi kung saan ito ay bahagi ng panata sa Nazareno na nagbibigay umano ng himala at tumutupad sa kanilang kahilingan gaya ng debotong si Teresa Rosario, vendor, na nagsabing hindi matutumbasan ng anumang bagay sa mundo ang biyayang nakamit niya mula sa Nazareno mula ng siya ay manalig dito.
Ang ilang deboto ay naglagay ng kandila para sa kanilang novena habang nakikinig sa mga testimonya ng mga natulungan ng Nazareno.
- Latest
- Trending