^

Bansa

Pang-11 bangkay sa M/V Catalyn naiahon, pero diver namatay

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni PCG National Capitol Region District Commander Luis Tuason na namatay na ang diver na nakapag-ahon ng pang-11 bangkay mula sa lumubog na M/V Catalyn B.

Ang diver na si Petty Officer 3 Armand Bonifacio, 42 ay binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center dakong alas 3:42 ng hapon.

Isinailalim din sa awtop­siya ang bangkay ng biktima para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon ng mawalan ng malay si Bonifacio kaya agad na isinugod sa ospital. Una dito, nag-ahon pa ito ng bangkay mula sa 221 talampakang lalim ng karagatan sa Limbones island, Cavite.

Bunsod nito, itinigil pansamantala ang retrieval operation kahapon kung saan 11 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya, 16 ang patuloy na hinahanap at 44 ang nakaligtas. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARMAND BONIFACIO

BONIFACIO

BUNSOD

CAVITE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUDY BERMUDO

NATIONAL CAPITOL REGION DISTRICT COMMANDER LUIS TUASON

PETTY OFFICER

V CATALYN B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with