Razon todo-suporta kay Gibo

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng todo-suporta si Nationalist Peoples Coalition mayoralty candidate Avelino “Sonny” Razon ng Maynila kay Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr..

Ayon kay dating Presidential Peace Adviser Sonny Razon na kandidatong alkalde sa Maynila, si Teodoro lamang ang may kahanga-hangang credentials mula sa mga presidential bets.

“Nasa kanya ang kakayahan, liderato at kasanayan na kailangan sa susunod na presidente ng bansa. Makakasulong ang bansa sa kanyang plataporma kapag naipatupad ang mga ito,” sabi ni Razon sa kanyang mga supporters sa Maynila na ginanap sa Golden Fortune Restaurant.

Nangako si Razon na doble-sikap ang kanyang gagawing pangangampanya para masiguro ang panalo ni Teodoro sa Maynila sa darating na halalang pampa­nguluhan.

“Ilang kandidato ang makapagmamalaking na­nguna sila sa Philippine bar, merong masteral sa law sa Harvard University, at nakapasa sa New York noong 1997 bukod sa pagiging isang lisensyadong commercial pilot at tatlong ulit na naging kongresista sa Tarlac,” patungkol pa ni Razon kay Teodoro. (Rudy Andal)

Show comments