^

Bansa

Ampatuans isinuka sa Taguig!

-

MANILA, Philippines - Tila isinuka ni Taguig Mayor Freddie Tinga ang pamilyang Ampatuan ma­tapos na tumanggi itong maidetine sa Camp Ba­gong Diwa Jail ang huli dahil sa panganib na maa­aring idulot nito sa Muslim community ng Taguig.

Ayon kay Tinga, mali­naw na magdudulot ng pa­nganib ang mga Ampatuan sa naturang lungsod dahil sa pagiging “High risk” prisoners ng mga ito matapos na matukoy na siyang utak sa massacre ng 57-katao kabilang ang 32 mamama­hayag sa Maguindanao.

Iginiit ni Tinga na mas mabuting manatili na lang sa National Bureau of Investigation detention cell si Andal Ampatuan Jr., dahil mas tiyak ang seguridad dito. 

“The proposed transfer will not only pose a great danger to our peaceful and thriving city, but may also endanger the life of the accused himself once he is exposed to other priso­ners,” ayon kay Tiñga.

Ipinaliwanag pa ni Tinga na 200 metro lang ang layo ng Camp Bagong Diwa Jail sa Brgy. Mahar­lika kung saan nakatira ang pinakamalaking bilang ng Muslim community sa Luzon. Aniya, hindi na dapat maulit ang naganap noong Marso 2005 kung saan nagkagulo matapos na magtangkang tumakas ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nakakulong dito na ikinasawi ng ilang katao.

Una ng tumanggi ang National Capital Region Police Office na ilipat sa kanilang kustodiya ang mga Ampatuan dahil sa problema sa seguridad lalo pa at marami na silang “high risk” na mga bilanggo na binabantayan. (Danilo Garcia)

ABU SAYYAF

AMPATUAN

ANDAL AMPATUAN JR.

CAMP BA

CAMP BAGONG DIWA JAIL

DANILO GARCIA

DIWA JAIL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with