Lacson tinuluyan sa Dacer

MANILA, Philippines - Isinampa na kahapon ng Department of Justice sa Manila Regional Trial Court ang 2 counts ng kasong double murder laban kay Senador Panfilo Lacson kaugnay ng pag­paslang sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito sa Cavite noong taong 2000.

Sinasabi sa resolus­yong ipinalabas ng DOJ na may probable cause para kasuhan si Lacson na hepe noon ng Philippine National Police at ng buwag nang Presidential Anti-Organized Crime Task Force nang mapatay ang mga biktima.

Walang inirekomen­dang piyansa ang tagausig para sa mga akusado sa krimen.

Kabilang sa pinagba­tayan ng DOJ ang affidavit ng mga anak ni Dacer na sina Emily Hun­gerford, Sabina Reyes, Amparo Henson at Carina Lim na nagsasabing may banta sa buhay ang kani­lang ama at batid nila na tutol ang ka­nilang ama sa pagkaka­hirang noon ni dating Pa­ngulong Joseph Estrada kay Lacson bilang hepe ng PNP.

Bukod pa ito sa testi­monya ni dating Police Supt. Cesar Mancao na tu­mukoy na si Lacson ang utak sa pagdukot at pag­patay kina Dacer at Corbito.

Agad ring nagsagawa ng raffle ang MRTC at na­punta ang kaso sa sala ni Judge Thelma Bunyi-Me­dina.

Tiniyak naman ni Lacson na gaga­mitin niya ang lahat ng legal na paraan para maide­pensa ang kanyang sarili sa kaso.

Pero hindi na nagbigay ng anumang detalye si Lacson kung anong option ang inihahanda ng kani­yang mga abogado.

Samantala, sinabi na­man ni Senator Jinggoy Estrada na naka­ramdam siya ng malaking ginhawa dahil hindi ka­sama sa nakasuhan ang kaniyang amang si dating Pangu­long Estrada.

“Malaking ginhawa iyon na hindi siya (Erap) na­kasama,” sabi ni Estrada sa isang pulong-balitaan.

Iginiit nito na walang kasalanan ang kaniyang ama sa sinasabing kaso at walang ebidensiyang mag-uugnay dito sa Dacer-Cor­bito double murder case.

Show comments