^

Bansa

RFID di raw pirmado ng DOTC

-

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide ang pagpapatupad ng Land Transportation Office sa Radio Frequency Identification Device gayung hindi pa naman napipirmahan ni DOTC secretary Leandro Mendoza ang naturang programa para maipatupad na ito pagpasok ng Enero 2010.

Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng Piston, kahina-hina­lang minamadali umano ni LTO Chief Arturo Lomibao ang implementasyon sa naturang proyekto kahit na wala pang legal papers na nilalagdaan dito si Mendoza.

Kinondena din ng Piston ang pahayag ni Lomibao na hindi ibabalik sa mga motorista ang perang naibayad sa RFID fee sakaling magpalabas ng temporary restraining order ang Supreme Court laban dito.

Idiniin ni San Mateo  na walang katotohanan ang mga reports na hindi lalabag sa right to privacy ang RFID project dahil kapag nagamit na ang tagged na nakalagay sa sasakyan ay makikita dito ang OR/CR, chassis at motor number ng sasakyan kasama na ang impormasyon kung sino ang may-ari nito. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CHIEF ARTURO LOMIBAO

GOERGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION

LEANDRO MENDOZA

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION DEVICE

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with