Benepisyo sa insurance policy, tiniyak ng Unitrans

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Universal Transport Accident Insurance Solutions Inc. na tuloy ang pagbi­bigay nila ng benepisyo sa mga tumatangkilik ng kanilang policy sa ilalim ng All-Risk-No-Fault program.

Ginawa ni UNITRANS President Ma. Paulette Chanchico ang paniniyak sa kabila ng pagkaka­bunyag na ang ilan nilang policy ay ibinenta umano ng mas mababang halaga ng kanilang mga tiwaling tauhan at hindi inireremit sa kanilang kumpanya ang bayad.

Sinabi pa Chanchico na ibibigay din nila ang burial benefits, medical assistance, at hospitalization sa mga Public Utility Vehicle operators, drivers at mga liason officers na tumatangkilik ng kanilang insurance policy dahil nais nilang linisin ang pangalan ng kanilang kumpanya upang mapanatili ang kanilang integridad at kre­dibilidad.

Show comments