^

Bansa

May-ari ng Baleno 9 takda nang kasuhan

-

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Richard Gordon na kumuha na siya ng mga abogadong hahawak ng kaso ng pamilya ng mga biktima ng lumubog na M/V Baleno 9 at maipag­harap ng kaso ang may-ari ng barko at makatanggap ng mga benipisyo sa mga namatay sa sakuna.

Sinabi ni Gordon na siyang pinuno ng Philippine National Red Cross na malaking bilang ng mga pamilya ng biktima ang nagtungo sa kanyang tanggapan at humingi ng tulong na makakuha ng kaukalang bayad-pinsala mula sa Besta Shipping Lines na siyang may-ari ng lumubog na M/V Baleno 9.

Sa Kapihan sa Manila Hotel news forum, idiniin ni Gordon na ang mga ki­nuha niyang abogado ay magha­ harap ng kasong sibil laban sa Besta Shipping Lines at sa may-ari nito upang ma­tulungan ang mga kaanak ng bik­tima na makakuha ng kaukulang benipisyo sa insurance at ibang bayad pinsala.

Ayon kay Gordon, ang bawat pamilya ay may karapatang tumanggap ng P200,000 sa insurance money bagaman ang ma­ka­kakuha lamang ng beni­pisyo ay ang mga nasa listahan lamang ng mani­pesto ng mga pasa­hero.

Sa manipesto ng pa­sahero ng lumubog na barko ay may 20 lamang pangalan ang naitala na taliwas sa manipesto na­man na isinumite sa Phi­lippine Coast Guard na may 120 pasahero rito.

Gayunman, inihayag ng PNRC na may 132 katao ang sakay ng M/V Baleno 9 nang itoy lumu­bog sa gitna ng karagatan ng Calapan City at Batan­gas Port noong Disyembre 26. (Malou Escudero)

vuukle comment

BESTA SHIPPING LINES

CALAPAN CITY

COAST GUARD

GORDON

MALOU ESCUDERO

MANILA HOTEL

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

SHY

V BALENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with