MANILA, Philippines - Mariiing sinabi ni Philippine National Police Chief Director Gen. Jesus Verzosa na hindi niya papayagan na magamit ang PNP ng mga pulitiko para sa kanilang pansariling interes sa nalalapit na eleksiyon sa Mayo.
“Ang PNP ay mananatiling magsisilbi para sa publiko at hindi sa mga pulitiko,” wika ni Versoza.
Sinabi niya na ang eleksiyon ay magiging isang hamon sa liderato ng PNP na maging isang ahensiyang walang kinikilingan sa kabila ng mga plano ng mga kandidato bago at pagkatapos ng eleksiyon.
Aniya, ang mga opisyal ng PNP at Armed Forces of the Philippines ay makikipag-usap sa Commission on Elections ngayong linggo upang talakayin ang mga hakbang para sa isang kasunduan na magbibigay sa dalawang ahensiya ng mas malaking gagampanang tungkulin sa darating na eleksiyon.