MANILA, Philippines - Iniakyat na sa Korte Suprema ng grupong Ang Ladlad ang kanilang petisyong humihiling na baligtarin ang desisyon ng Commission on Elections na nagdidiskwalipika sa kanila bilang isang partylist group.
Sa petition for certiorari na inihain ng nasabing grupo kahapon, hiniling nila na mag-isyu ng temporary restraining order ang Mataas na Hukuman laban sa nasabing desisyon ng Comelec at mapayagan silang maisama sa mga party list group na ilalagay sa balotang gagamitin sa 2010 automated elections.
Iginiit sa petisyon na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang ibasura nito ang petition for accreditation ng Ladlad. (Ludy Bermudo)