Barko pa tumirik sa biyahe

MANILA, Philippines - Isa pang pampasaherong barko ang tumirik subalit naagapang mauwi sa trahedya nang masaklolohan ng napadaang isa pang barko, sa karagatang sakop ng Central Visayas.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), tumirik sa karagatang malapit sa Apo Island ang MV Georich, na nagmula sa Port of Dapitan sa Zamboanga del Norte at patungo sanang Dumaguete Island.

Nagloko umano ang makina nag barko na pagmamay-ari ng George and Peter Lines kaya ito tumirik.

Maswerteng dumaraan naman ang MV Flipinas Iloilo kaya sila nasaklolohan at hinila ang MV Georich patungo sa pantalan ng Dumaguete

Wala namang napaulat na nasugatan o nasaktan sa insidente sa mga sakay na mahigit 500 pasahero at crew. (Ludy Bermudo)

Show comments