^

Bansa

Pinoy suspek at biktima sa Vienna tutulungan

-

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Department of Foreign Affairs na parehong matutu­lungan ng pamahalaan ang Pilipinang napatay sa loob ng bahay ng Lebanese ambassador at ang suspek na isa ring overseas Filipino worker sa Austria.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Conejos, inatasan na niya ang Embahada ng Pilipinas sa Vienna na ma­kipag-ugnayan sa Vien­nese Police at sa kampo ng biktima at mismong suspek na nakakulong at nahaharap sa kasong murder upang mabigyan ng ayuda ng pamahalaan.

Posibleng bigyan ng tulong legal o abogado ng em­bahada ang nasabing suspek. Gayunman, kapag napatunayang nagkasala ay inaasahan na masesen­tensyahan ito ng parusang bitay.

Aasistihan din ng Em­ba­hada ang pagpa­pauwi sa bangkay ng bik­tima maging ang anumang be­ nepisyo na maaaring ma­kuha nito at sa mister nito na dumating na sa Vienna.

Kinumpirma ni Conejos na umamin na ang suspek sa pagpatay kay Romalyn Basalo, 30, tubong Surigao del Norte. Tumanggi ang kalihim na pangalanan sa ngayon ang suspek.

Pagseselos ang tini­tingnang motibo sa pama­maslang kay Basalo na natagpuang tadtad ng saksak sa isang maliit na silid sa residential building ni Lebanese Ambassador to Vienna Ishaya El-Khoury na matatagpuan sa Gymnasium St. 59, 18th District ng Vienna. (Ellen Fernando)

AASISTIHAN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

GYMNASIUM ST.

LEBANESE AMBASSADOR

MIGRANT WORKERS AFFAIRS ESTEBAN CONEJOS

ROMALYN BASALO

SHY

VIENNA ISHAYA EL-KHOURY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with