^

Bansa

5 patay, 571 sugatan sa New Year revelry

- Nina Joy Cantos at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Lima katao ang na­ita­lang nasawi habang 571 pa ang nasugatan sa ma­dugong pagsalu­bong sa Bagong Taon, ayon sa mga opisyal nitong Biyer­nes.

Sa report na nakara­ting sa Philippine National Police at ng National Disaster Coordinating Council, karamihan sa mga ito ay biktima ng paputok at ng ligaw na bala sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa Zamboanga City, namatay rin ang dala­wang menor de edad na sina Unggah Akin­ nang, 17 anyos at Nur­wina Jul-arsi, 14, nang bu­migay ang marupok na tulay na tinutun­tungan ng mga ito ha­bang nanonood ng fireworks display nitong gabi ng bisperas ng Bagong Taon. Lima katao rin ang naitalang sugatan.

Sa iba pang panig ng bansa, nasa 571 katao ang nasugatan sa papu­tok at 26 rito ayon sa mga opisyal ay sanhi ng ligaw na bala.

Sa kabila ng pag­ba­ba ng bilang ng mga bik­tima ng paputok, inamin ng PNP na tumaas ng 53 por­siyento ang mga bik­tima ng ligaw na bala sa New Year count down ngayong 2010.

Ito’y sa kabila ng ini­lunsad na “Iwas Papu­tok campaign’ ng iba’t-ibang ahensya ng pa­mahalaan sa pangu­nguna ng PNP at Department of Health.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina na mula Dis­ yem­bre 21, 2009 hang­gang Enero 1, 2010 ay 26 na kaso ng mga biktimang tinamaan ng ligaw na bala ang kanilang inimbes­tigahan.

Ayon kay Espina, sa nasabing kaso, 18 sa mga biktima ay mula sa National Capital Region.

Ikinagalak at ipinag­malaki ng DoH ang pag­baba ng bilang ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon kumpara noong 2009 kasabay ng paha­yag na umabot lamang sa 597 ang naitalang bik­tima.

Sa isang pulong-bali­taan sa East Avenue Medical Center, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na bumaba nang 15 porsyento ang mga fireworks related incident mula noong Dis­yembre 21, 2009 hang­gang ngayong Ene­ro 1, 2010.

Gayunman, inamin naman ng PNP ang ka­nilang pangamba bun­sod ng pagtaas ng bilang ng biktima ng ligaw na bala.  

Dahil dito, magsa­sagawa ng ballistic examination ang PNP ka­ugnay sa mga slugs o basyo ng mga bala na narecover para matukoy kung sino ang may-ari nito lalo na kung ito’y nakarehistro.

Samantala, nagpali­wanag naman si Duque na ang datos ngayon sa mga fireworks related injuries ay mula sa 43 mga tinaguriang sentinel hospitals sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa 597 na bilang, 570 dito ay mga biktima dala ng paputok habang ang 26 ay mula sa ligaw na bala. Isa naman ang insi­dente ng watusi ingestion. Ang piccolo pa rin ang may pinakama­taas na bi­lang ng mga biktima kung saan uma­abot sa 208.

vuukle comment

BAGONG TAON

BALA

DEPARTMENT OF HEALTH

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FRANCISCO DUQUE

HEALTH SECRETARY

IWAS PAPU

LEONARDO ESPINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with