MANILA, Philippines - Sinuportahan ni Senator Richard Gordon ang panawagan ng mga guro na simulan na silang sanayin sa paggamit ng automated machines sa darating na 2010 elections.
Sinabi ng senador na dapat ikonsidera ng Com mission on Elections ang panawagan ng Teachers Dignity Coalition na agad simulan ang education campaign at training sa mga gurong gagamit ng automated election machines sa halaan upang maiwasan ang anumang pagkabalam sa pagde-deliver ng mga makina na gagamitin sa eleksiyon.
Aniya, kailangan maturuan ang mga botante kung papaano ang paggamit ng automated election machines upang matiyak na ang mananalo sa 2010 elections ay kagustuhan ng taumbayan.
Si Gordon ay pumangalawa sa isang Facebook survey ng presidential bets na isang malakas na senyales mula sa Filipino na binibigyan nila ng timbang ang track record ng kandidato kaysa sa popularidad sa kabila na hindi ito kasama sa napipisil na kandidatong pangulo sa ibang online surveys. (Malou Escudero)