^

Bansa

2 barko hinayjack: 21 Pinoy hinostage!

-

MANILA, Philippines - Halos magkasabay na na-hijack ng mga pi­ rata ang dalawang bar­kong pangkarga­mentong kinalululanan ng 21 Pili­pinong seaman sa ka­ ra­gatan ng Sy­chelles sa Gulf of Eden sa Somalia noong Dis­yembre 28.

Sa unang ipinalabas na report ng European Union Naval Force Somalia, ang MV Navios Apollon ay hi­na­rang ng mga armadong pirata sakay ang 19 crew na kinabibilangan ng isang Greek at 18 Pilipino.

Nabatid na patungo ang nasabing barko sa Thailand nang mapadaan sa nasabing bahagi ng karagatan na pinamumu­garan ng mga pirata.

Sa isinagawang pag­momonitor ng EU Naval force, namataan ang hi­nayjack na barko sa hi­lagang bahagi ng Sey­chelles patungong Somali coast.

Kasabay nito, hinay­jack din ang UK-flagged chemical tanker na MV St. James Park na may sa­kay na 26 crew kabi­lang ang tatlong Pinoy seamen.

Ayon sa report, ang MV St. James Park na pag-aari ng PHilbox Limited ay hinayjack sa Gulf of Aden habang nagla­layag sa International Recognized Transit Corridor.

Ang nasabing barko ay nakapagpadala pa ng distress message at agad nagresponde ang isang warship mula sa Task Force 151 upang ma­kontak ito matapos ang pangha-hijack.

Umalis ang nasabing barko mula sa Spain at patungo sa Thailand nang masabat ng mga pirata sa Gulf of Aden. (Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

EUROPEAN UNION NAVAL FORCE SOMALIA

GULF OF ADEN

GULF OF EDEN

INTERNATIONAL RECOGNIZED TRANSIT CORRIDOR

NAVIOS APOLLON

SHY

ST. JAMES PARK

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with