^

Bansa

PASG chief, acting DDB chairman

-

BAGUIO CITY, Philippines - Itina­laga kahapon ni Pangulong Arroyo si Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chief Undersecretary Antonio Villar Jr. bilang acting chairman ng Dangerous Drug Board (DDB) kapalit ng nagbitiw na si Tito Sotto na tatakbong senador.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, mag­ sisimula si Villar bilang chairman ng DDB sa Enero 4, 2010. Siya pa rin ang ma­giging hepe ng PASG.

Kinumpirma din ni Sec. Remonde ang appointment ni DENR Undersecretary Eleazar Quinto bilang acting DENR chief kapalit ng nag­bitiw na si Sec. Lito Atienza na tatakbo namang alkalde ng Maynila.

Ginawa ni Pangulong Arroyo ang appointment nina Villar at Quinto sa isi­nagawang Cabinet meeting sa The Mansion kaha­pon.

Samantala, sinibak ni Usec. Villar ang isang director nito dahil sa ulat na sangkot sa robbery-extortion sa mga importers.

Sinibak si Strategic and Information Service director Rommel Javier matapos mahuli ang tauhan nitong si Jaime Capuno na itinalaga niyang monitoring chief at liaison officer ng PASG-SIS.

Naaresto si Capuno noong Dec. 22 kasama ang isang alyas Jojo Lontoc na na­ ngikil ng P50,000 sa ne­gosyanteng sina henry at Tyrone ng ng UCC café sa San Juan.

Nalaman din ng PASG chief na tinatakot ni Javier ang mga negosyante na huhulihin daw ng PASG kung hindi magbibigay ng protection money sa kanya.

Ayon kay Villar, hindi niya kukunsintihin ang anumang maling gawain ng kanyang mga tauhan.

Wika pa ng PASG chief, hinihikayat niya ang publiko na isumbong kay PASG chief of staff Jeffrey Pata­wa­ ran ang sinumang ta­uhan niyang gumagawa ng pa­ngi­ngikil o illegal na gawain.

Ipinabatid na rin ni Villar kay Customs commissio­ner Napoleon Morales ang pagkakasibak kay Javier. Kakasuhan na rin ng criminal at administrative char­ges si Javier. (Rudy Andal)

AYON

DRUG BOARD

JAIME CAPUNO

JAVIER

JEFFREY PATA

JOJO LONTOC

LITO ATIENZA

NAPOLEON MORALES

PANGULONG ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with