^

Bansa

Eroplano pinaiiwas sa Mayon

-

MANILA, Philippines - Umiwas muna ang mga pilotong lumipad ma­lapit sa Mayon Volcano dahil sa patuloy na ash exlosions na magiging mapanganib sa kanilang sasakyang panghimpapa­wid.

Ito ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs) kahapon bunga na rin ng patuloy na pagbuga ng abo ng bulkan dulot ng mga pagsabog.

Sa loob ng 24 oras, siyam na ash explosions ang naitala ng Phivolcs mula sa bulkan na bumuga ng halos dalawang kilo­metro ang taas mula sa bunganga nito.

Ayon sa pamunuan, ang aktibidad ng Mayon ay nanatiling mataas matapos na magtala ng 38 volcanic earthquakes at 171 rock fall events.

Ang paggulong ng tipak na bato mula dito ay magi­ ging mapanganib kasabay ng paglabas ng sulfur dioxide na uma­average ng 3,416 tons kada araw.

Ang nagbabagang lava ay patuloy na bumabagsak sa Bonga-Buyuan, Miisi at Lidong.

Sa kasalukuyan, ang lava front sa Buyuan channel ay may 5.8 kilometers pababa ng summit crater dahilan para mapanatiling nasa alert level 4 ang sitwasyon nito, ayon pa sa Phivolcs.

Suspetsa ng Philvocs maaring bumuga pa ng mas malakas na lava ang bulkan dahil patuloy na namamaga ito. (Ricky Tulipat)

AYON

BONGA-BUYUAN

BUYUAN

LIDONG

MAYON

MAYON VOLCANO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with