Noynoy, Villar pinagkakatiwalaan ng Pinoy

MANILA, Philippines - Dalawang senador na tumatakbong pangulo sa May 2010 elections ang mas pinagkakatiwalaang personalidad sa bansa, ayon sa pambansang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Halos magkapantay na sa estatistika sina Sen. Benigno Aquino III ng Liberal Party at Sen. Manny Villar, tumatakbong pa­ngulo ng Nacionalista Party, sa unang puwesto sa ipi­naki­tang survey na isina­gawa noong Nob­ yem­bre 4-8.

Nakakuha si Aquino ng +71% habang nakopo na­man ni Villar ang +70%. Kinalap ang survey sa 1,200 respondents na may margin of error na plus and minus 3%. Si Puerto Prin­cesa Mayor Edward Hage­dorn ang siyang nagpa­gawa ng naturang survey.

Sinundan sina Villar at Aquino nina Sen. Mar Roxas, LP vice presidential bet na may +65%; saman­talang umabot naman sa +56% si Sen. Loren Le­garda na katambal ni Villar.

Nasa listahan din sina Sen. Francis Escudero na may +54%, Vice President Noli de Castro na may +16% at Makati Mayor Je­jo­mar Binay na may +13%.

Itinanong ng survey sa respondent ang: “Pag-usa­pan po natin ang tungkol sa ilang personalidad. Sa mga sumusunod, maaari po bang sabihin ninyo kung ang pagtitiwala ninyo kay (personality) ay napakalaki, medyo malaki, hindi tiyak kung malaki o maliit, medyo maliit, napakaliit, o wala pa kayong narinig o nabasa maski ano kahit na kalian tungkol kay (pangalan)?”

Nakakuha si Aquino ng 80% higit na pagtitiwala, 10% walang desisyon at 9% ang hindi nagtitiwala. Samantalang nakopo na­man ni Villar ang 79% higit na pagtitiwala, 11% walang desisyon at 10% kaunting tiwala. (Butch Quejada)

Show comments