41,858 kriminal nalipol

MANILA, Philippines - Umaabot sa 41,858 mga wanted na krimi­nal ang nalipol ng Philippine National Police sa serye ng operasyon sa buong bansa nga­yong taong 2009, ayon sa ulat ng opisyal ka­hapon.

Sinabi ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na, sa kabu­ubang 41,858 na-neu­tralisa na mga kriminal na tinutugis ng batas, 25 dito ay napaslang na mga wanted ha­bang ang 350 naman ay nag­sisuko sa batas. Ang mga ito ay sang­kot sa sa­mutsaring uri ng kri­mi­nalidad.

Kabilang naman sa mga nasakoteng 57 most wanted ay pa­wang may inilaang pa­buya ang gobyerno ka­palit ng kanilang pag­ka­kaaresto.

Sa mga most wan­ted ay kabilang dito ang underground move­ment ng New People’s Army, ektremistang teroristang organisas­yon at iba pang mga organisadong gru­pong kriminal.

Tinukoy sa ulat sina Central Luzon NPA leader Delfin Pimentel, may reward na P2.6 mil­yon; Dino Amor Pa­reja alyas Khalil Pareja ng Rajah Solai­man Mo­vement, may reward na P 500,000.00; at Jason Saligan alyas Com­man­der Aguilar, may reward na P5,000.000. (Joy Cantos)

Show comments