OFW nahulog sa bangin, todas

MANILA, Philippines - Isang overseas Filipino worker na nama­ma­sukan bilang driver sa Saudi Ara­bia ang iniulat na nasawi ma­tapos ma­hulog ang mi­namaneho niyang dump truck sa isang bangin noong bago mag-Pas­ko.

Sa report na tinang­gap ng Migrante International-Middle East chapter mula sa isa sa ka­sa­mahang mangga­gawa ng biktima, ang nasabing Pilipino na pansaman­talang itinago ang pa­ngalan ay nagka­kaedad ng 25-28 anyos, tubong Anda, Panga­sinan,

Namatay matapos na mawalan ng kontrol ang minamanehong dump truck sa isang madulas at paliku-likong daanan hang­gang sa mabilis na dumausdos at mahulog sa matarik na bangin.

Ayon kay Migrante-ME regional coordinator John Leonard Monte­rona, ang naturang dri­ver na nag­tatrabaho sa M/S Conar Company ay idi­neklarang dead-on-the-spot matapos ang insi­dente ng nakalipas na linggo.

Nakalagak ang mga labi ng nasabing OFW sa isang morgue sa Al Ja­rous, Al Baha sa Saudi Arabia. (Ellen Fernando)

Show comments