Outbreak kontrolado na raw

MANILA, Philippines - Kontrolado at hindi ma­uuwi sa outbreak ang anu­mang sakit na tatama sa mga Mayon evacuees sa Albay, ayon kay Health Assistant Secretary Elmer Punzalan.

Ani Punzalan sa pag­dalo sa Balitaan sa Tina­payan, sa Dapitan, Sam­paloc, Manila, may naka­ tu­tok na siyam na DOH team sa iba’t-ibang evacuation centers kaya naa­asikaso ang pasyenteng tinamaan ng upper respiratory ailment, gastro entiritis at ilang kaso ng tigdas .

Tuloy-tuloy lamang ang pagsasailalim sa medical check-up ng DOH team sa tinatayang 1,350 katao kada-araw.

“Walang outbreak at minimal lang ang mga sakit kasi naagapan namin,” ani Punzalan.

Hindi naman maiiwa­ san ang pagkalat ng sakit sa alinmang evacuation centers dahil malamig ang pa­nahon, nakahiga sa se­mento na hindi sapat ang sapin ang mga evacuees, at ang tubig na naiinom ay hindi sigurado kung malinis, ani Punzalan. (Ludy Bermudo)

Show comments