^

Bansa

Health personnel binalaan sa paputok

-

MANILA, Philippines - Idineklarang firecrackers ban ni Health Secretary Francisco Duque III ang lahat ng pasilidad ng Department of Health na nanga­ngahulugang hindi ma­aring magpaputok ang sinumang kawani at health personnel sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang babala umano ay upang hindi na mag­tangka pang magpa­putok ang mga emple­yado, magdala o mag­benta ng mga paputok sa bisinidad ng mga DOH hospitals at DOH offices.

Sakaling may mag­sumbong o mahuli sa akto ay may katapat umanong parusa, ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Elmer Pun­zalan sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan.

Aniya, nanatiling nasa code white alert ang lahat ng DOH hospitals para sa ina­asa­hang masusu­gatan sa pagsalubong sa Bagong Taon at may sapat na suplay ng tetanus vaccine para sa mapupu­tukan.

Simula pa noong Disyembre 21, 2009 ang pagpapatupad ng Emergency Preparedness Response sa may 50 ospital at magtatapos ito sa Enero 21, 2010.

Handa rin ang 50 online centers ng DOH na mag-uulat sa central office ng DOH. (Ludy Bermudo)

ANIYA

BAGONG TAON

BALITAAN

DAPITAN

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ELMER PUN

EMERGENCY PREPAREDNESS RESPONSE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with