Evacuees nirasyunan ng tubig ng BFP

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng pa­munuan ng Bureau of Fire Protection ang pag­ra­rasyon ng tubig sa mga evacution centers ng mga residente na­apek­tuhang ng ab­nor­malidad ng Ma­yon sa Albay.

Ayon sa BFP, nag­ras­yon ito ng tubig upang mabigyan ng sapat na suplay ang maraming residenteng wala nang magamit sa kanilang pang-araw-araw na pan­linis tulad ng sa paggamit sa mga banyo.

Partikular dito ang Bariw Elementary School sa Camalig, San Roque, Gogon, Albay Central at Ba­gumbayan Elementary School.

Ang Camalig fire station ay nag-deliber din ng tubig sa Bariw, Ta­ladong at Baligang eva­cuation centers habang bumisita na­man ang Tabaco City fire station sa iba’-ibang evacuation centers dito.

Tumulong din ang Fire station sa Daraga ng pag­bibigay ng relief goods gayundin ang pagtulong sa feeding program para sa mga bata.

Halos isang linggo nang nasa evacuation centers ang maraming residente kaya kina­kapos na ang mga ito sa suplay ng tubig.

Ang pagkawala ng tubig ang pinanga­ngam­­bahang maka­pag­dulot ng sakit sa ilang mga bata. (Ricky Tulipat)

Show comments