Evacuees nirasyunan ng tubig ng BFP
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection ang pagrarasyon ng tubig sa mga evacution centers ng mga residente naapektuhang ng abnormalidad ng Mayon sa Albay.
Ayon sa BFP, nagrasyon ito ng tubig upang mabigyan ng sapat na suplay ang maraming residenteng wala nang magamit sa kanilang pang-araw-araw na panlinis tulad ng sa paggamit sa mga banyo.
Partikular dito ang Bariw Elementary School sa Camalig, San Roque, Gogon, Albay Central at Bagumbayan Elementary School.
Ang Camalig fire station ay nag-deliber din ng tubig sa Bariw, Taladong at Baligang evacuation centers habang bumisita naman ang Tabaco City fire station sa iba’-ibang evacuation centers dito.
Tumulong din ang Fire station sa Daraga ng pagbibigay ng relief goods gayundin ang pagtulong sa feeding program para sa mga bata.
Halos isang linggo nang nasa evacuation centers ang maraming residente kaya kinakapos na ang mga ito sa suplay ng tubig.
Ang pagkawala ng tubig ang pinangangambahang makapagdulot ng sakit sa ilang mga bata. (Ricky Tulipat)
- Latest
- Trending