MANILA, Philippines - Inaasahang dedesisyunan na ng Commission on Elections sa mga susunod na araw ang disqualification cases laban kina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na kapwa kandidato sa halalang lokal at pambansa sa Mayo 2010.
Itinakda na ng Comelec Second Division bukas, Disyembre 28, ang taning ng pagsusumite ng memoranda ng mga partidong sangkot kaugnay sa petisyon na idiskuwalipika sina Arroyo at Estrada na kumakandidatong kongresista sa Pampanga at sa muling pagkapangulo ng bansa, ayon sa pagkakasunod.
Sa oras na maisumite ang naturang memoranda ay kaagad itong pag-aaralan ng Comelec upang makapagpalabas na ng desisyon. (Mer Layson)