^

Bansa

Bgy. health services prayoridad ni Gibo

-

MANILA, Philippines - Isusulong ni Lakas-Kampi-CMD standard bea­rer Gilbert Teodoro Jr. ang pagkakaloob ng resources at training facilities sa mga barangay health workers na tinagurian niyang ‘front-lines’ ng medical program ng pamahalaan.

Ayon kay Gibo, dapat ay lalong palawakin pa ang health program ng gob­yerno sa pinaka-liblib na lugar sa bansa upang ma­bigyang pansin ang kalu­sugan ng mga nasa kana­yunan.

Sinabi ni Teodoro sa may 3,000 community workers sa Minglanilla Sports Center sa Cebu City na ang mga barangay health workers ay malaki ang ginagampanang papel sa gobyerno sa pagbibigay ng libreng tulong medical sa mga mahihirap na resi­dente lalo sa kanayunan.

Dahil dito, nais ni Gibo na magkaroon ng mas malawak na kasanayan ang mga health workers para magampanang ma­buti ang kanilang trabaho kasabay ang panawagan para sa karagdagang development funds gayundin ang pagbibigay ng insen­tibo sa mga health workers.

“We will look into the possibility of giving them more cash and other material benefits. They deserve such reward for their exemplary service to the public,”wika pa ni Teodoro na 1989 Bar topnotcher at Harvard-trained lawyer.

Nanawagan din si Teo­doro sa mga kongresista na maglaaan ng kanilang pork barrel fund para pondohan ang mga health programs gayundin ang para sa training mga community health workers at para sa modernong health facilities. (Rudy Andal)

AYON

CEBU CITY

GIBO

GILBERT TEODORO JR.

HEALTH

MINGLANILLA SPORTS CENTER

RUDY ANDAL

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with