Bus sa Bicol nagtaas ng pasahe dahil sa Mayon
MANILA, Philippines - Malamang na matanggalan ng prangkisa ang sinumang pampasaherong bus laluna sa Bicol na sinasabing nagtaas ng pasahe ngayong panahon ng Kapaskuhan na kasagsagan ang pag-aalboroto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Alberto Suansing, pinabubusisi na niya sa kanyang mga tauhan ang ulat na may ilang bus company ang nagtaas ng pasahe ng hanggang P100 laluna ang mga bus na may rutang Bicol dahil sinasamantala ang pagkakataon na madaming pasahero dahil nagsisilikas sa Maynila ang mga residente doon dahil sa inaasahang pagputok ng bulkang Mayon.
Sinabi ni Suansing na bukas ang kanyang tanggapan para tumanggap ng anumang mga sumbong laban sa mga mapagsamantalang bus companies lalupat dagsa ang mga pasahero ngayon.
Sa law enforcement naman anya ay ang mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) ang huhuli sa mga abusadong driver sa mga lansangan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending