^

Bansa

Miriam nagdadala na ng baril

-

MANILA, Philippines - Matapos makatanggap ng dalawang magkahi­ walay na death threat sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa kanilang bahay sa Quezon City, napilitan si Senator Miriam Defensor-Santiago na magdala na rin ng baril upang maprotek­tahan ang kaniyang sarili sa mga posibleng pumatay sa kaniya.

Kinumpirma ni Santiago sa panayam ng dzXL radio ang pag-armas kung saan mismong ang asawa ni­yang si presidential adviser Narciso “Jun” Santia­go Jr., ang bumili ng baril.

Ang baril ng senadora ang Christmas gift umano ng kaniyang asawa nga­yong Kapaskuhan.

Ayon sa senador, isang “HK” hand gun o Heckler and Koch model ng kalibre .45 ang iniregalo ni Mr. Santiago sa kanya.

“Binigyan ako ng asa­ wa ko ng mas mabigat na baril. It’s an HK,” sabi San­tiago na muling kakan­didatong senador sa 2010 elections.

Ang Heckler & Koch, ay isang de-kalibreng armas na gawa ng German defense firm.

Matatandanan na ibi­ nunyag ni Santiago noong nakaraang Lunes na isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mastermind o nasa likod death threat laban sa kaniya.

Ang nasabing opisyal din umano na handang pangalanan ni Santiago sa kaniyang gagawing privilege speech sa Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Enero ang nasa likod ng disqualification case niya sa Commission on Election (Comelec).

Isang tawag sa tele­pono ang natanggap ni Santiago sa kaniyang ba­hay sa Quezon City noong nakaraang Disyembre 21 kung saan pinag-iingat at sinundan ng isa pang ta­wag na nasagot ng kan­yang staff dahilan upang hamunin ng lady solon na harapang barilin ito.

Nauna ng sinabi ni San­tiago na ang death threat at disqualification case na kinakaharap nito ay bahagi ng ‘dirty works’ ng PR group na inarkila ng hindi pina­ngalanang no­ torius cabinet member. (Malou Escudero)

vuukle comment

ANG HECKLER

AYON

BINIGYAN

HECKLER AND KOCH

MALOU ESCUDERO

MR. SANTIAGO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON CITY

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with