Mayon tuloy sa pag-alburoto
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagpapakita ng pag-aalboroto ang bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) nananatili ang pagtaas ng bilang ng seismic network ng bulkan na nakapagtala ng may 1,051 volcanic earthquakes.
Umaabot naman sa 66 na ash explosions ang naobserbahan ng Phivolcs sa bulkan kung saan kulay abo ang nailuluwang usok mula sa bunganga na may taas mula 100 hanggang 1,000 metro papunta sa timog kanlurang direksiyon.
Nakapagtala naman ang bulkan ng 6,737 metriko toneladang pagluwa ng asupre kahapon habang patuloy din ang paglikha ng ingay ng bulkan na animo’y kumukulog sa loob ng bulkan na may 280 beses sa nakalipas na 24 oras
Patuloy naman ang pagbaba ng kumukulong kulay pulang putik sa may bahagi ng Bonga-Buyuan, Miisi at Lidong gullies
Patuloy na pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng bulkan na mag-ingat at huwag papasok sa itinakdang 10 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending