MANILA, Philippines - Kampante pa rin si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., kaugnay sa resulta ng pinakahuling survey dahil unti-unti na siyang nakikilala ng mga botante.
Ayon kay Teodoro, walang dapat ikatakot sa pangunguna sa survey ng kanyang pinsan na si Liberal Party presidential candidate Benigno “Noynoy” Aquino III at Sen. Manuel Villar Jr., dahil patuloy naman siyang nakikilala ng mga botante, lalo na ng mga estudyante.
“Unti-unti na akong nakikilala ng mga botante. Ang resulta ng botohan at hindi survey ang magpapanalo sa akin sa darating na presidential race,” ani Gibo.
Una ng nanguna si Teodoro sa isinagawang mock election ng Alpha Sigma Fraternity sa UP-Diliman, Quezon City para sa presidential election. Malaki ang paniniwala ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na mananalo si Teodoro dahil habang papalapit ang election ay umiinit ang pagtanggap sa kanya ng mga estudyante, propesyunal at ordinaryong Filipino.
Bukod pa aniya dito ang angking talino at galing ni Teodoro sa pakikipagdebate. (Rudy Andal)